Abante sa UAAP Season 88 women’s volleyball stepladder quarterfinals ang University of Santo Tomas matapos sibakin ang Far Eastern University sa playoff, 16-25, 25-20, 25-18, 25-16, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City noong Sabado.
Ito ang pang-anim na sunod na Final Four ng Golden Tigresses simula Season 81 (2019) nang matalo sila ng Ateneo de Manila para sa kampeonato.
Maghaharap ang UST at third seed Adamson University 3 p.m. sa Miyerkules sa Big Dome.
Hindi pa nanalo ang UST maski isang set sa Adamson ngayong season.
Naghihintay naman sa semifinals sa May 2 ang defending champion National University sa mananalo sa UST-Adamson.
Nauna na sa finals ang De La Salle University matapos ma-sweep ang 14 laro ng eliminations.
Mag-uumpisa ang best-of-three finals sa May 6.
“I’m sure the team will be even more eager when the stepladder arrives,” ani coach Shaq Delos Santos.
Nanguna si Angeline Poyos para sa UST na nagtala ng 26 puntos, seven receptions at five digs, samantalang si Regina Jurado ay nagdagdag ng 11 puntos at 12 digs.


