Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dingdong Dantes, na-starstruck kay Steve Harvey

Hindi ikinaila ni Dingdong Dantes na matapos ang kanyang exclusive video call kay Steve Harvey ay magkahalong excitement at pagka-starstruck pa rin ang  kanyang naramdaman.

Nagkaroon ng espesyal na pag-uusap ang dalawang host ng Family Feud bilang bahagi pa rin ng anibersaryo ng naturang show dito sa Pilipinas.

Sa tikas ding magsalita ni Dingdong ay hindi rin napigilan ni Steve na humanga dito lalo na’t nagawa nga daw ng pinoy host na lalong pasikatin ang Family Feud maging sa ibang bahagi ng mundo na may mga pinoy.

Si Steve ang kilalang host ng Family Feud US, habang si Dingdong naman ang nangunguna sa Family Feud Philippines. Ngayong April 24, nasilayan ng manonood ang kanilang makasaysayang pagkikita sa pamamagitan ng isang exclusive video call.

“I want to officially congratulate you on the massive success of Family Feud over there in the Philippines,” saad pa ni Steve.

Lubos naman ang pasasalamat ni Dingdong at sinabing malaking karangalan para sa kanya ang marinig ito mula kay Steve.

“I have a dream that one of these days, I want to go and fly over there and visit you in the studio. I don’t just want to watch, I want to be a contestant ’cause I can’t do it here. Do I have to audition?,” masayang pakikipaghuntahan ng aktor-host.

“NO need to audition. Bring your beautiful family. Just don’t be mad when I roast you if you say something crazy,” ang tumatawa namang tugon ni Steve.

“Steve, I hope to see you soon. More power to you. Maraming maraming salamat,” sey ni Dingdong na sinagot ni Steve, “Survey says, you’re doing a great job. Congratulations.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles