Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kaila Estrada, pasok sa parehong pamilya ni Daniel

Parehong nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sina Kaila Estrada at half-sister ni Daniel Padilla na si Romina Red Padilla.

Walang picture na magkasama sina Kaila at Red pero kapansin-pansin ang magkasabay nilang IG post lalo’t parehong- pareho kasi ang Japanese restaurant na pinost nila sa socmed.  

Obvious na obvious nga raw na magkasama ang dalawang girls.Ang bongga ni Kaila ha, mukhang botong-boto sa kanya ang mga kapatid ng boyfriend niya. 

Kung dati-rati ay mga sister lang ni Daniel sa Ford o sa mother side na sina Magui at Lella lang ang madalas niyang ka-bonding, ngayon naman pati  na ang mga kapatid ni Deej sa Padilla side ay nakaka-dinner date na rin niya. 

Komento nga netizen, “that only goes to show na maka-pamilya si Kaila gaya ni Deej. Maganda ang pagpapalaki na ginawa sa kanya ni Janice (de Belen) dahil halatang naturalesa nito ang maging malapit sa mga kapamilya ng aktor. Are we smelling a soon to be engagement?.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles