Sa dami ng mga ganap ni Liza Soberano sa Hollywood ngayon tila isang simpleng “inggit-pikit” ang tinuran nito sa makahulugang “cryptic message”.sa socmed kamakailan.
Sa halos lahat ng celebrity events na mayroon sa Hollywood ang magandang aktres sa ngayon, ay talaga namang mamatay sa inggit ang mga local bashers niya na hindi pa rin maka-move on sa piniling career ng dalaga.
Napili lang naman kasi si Liza bilang isa sa presenters ng mga pararangalang cultural leaders na kasama sa Gold 100 List ng 5th Annual Gold Gala ng Gold House na gaganapin sa darating na May 9 sa Music Center, Downtown Los Angeles.
Bongga at mga prominenteng tao sa mundo ang makakasama ni Liza on stage tulad nina Priyanka Chopra Jonas, Charles Melton, Jet Li, Simu Liu, Eileen Gu, Revathi Advaithi, EJAE, Bowen Yang, Candace Parker, Chrissy Teigen, Da’Vine Joy Randolph, Hayley Kiyoko, H.E.R., HUMAN MADE, Lee Sung Jin, Maia Kealoha, Asif Ali, Poorna Jagannathan, Saagar Shaikh, Theresia Gouw, at iba pa.
Idinaraos ang annual Gold Gala at pagpa-publish ng Gold 100 List, para kilalanin ang 100 most impactful Asian and Pacific Islander (API) at itinuturing nga ito na isa sa pinakamalaking API events sa mundo.


