Pinag-uusapan ngayon sa socmed ang naging panayam kay Janice de Belen ni Julius Babao sa podcast vlog ng huli.
Marami din kasing mga bagong rebelasyon at kuwento ang award-winning actress at gustong -gusto ng mga nakapanood ang matalino nitong mga sagot.
Una na diyan ang muling pagklaro ni Janice na hindi para kanino man ang kantang ni-record noon ng sikat na si Joey Albert na may title na “It’s Over Now” na nirilis noong 1985.
“Akala nga kasi ng lahat ay para kay Gabby (Concepcion) yun.
Pero hindi talaga. Kami na ni Aga (Muhlach) that time. It just happened na naging close friends kami ni Joey (Albert) na madalas akong gawing guest sa shows niya. One time, yung isa sa mga ginawa kong poems ay ipinakita ko sa kanya. Hiningi niya and then yun na, pagbalik sa akin, kanta na,” kuwento ni Janice.
“Pero siyempre inayos na nila ni Louie (Ocampo), nilagyan ng music, ng korus, ng bridge dahil wala naman akong alam sa music maliban sa dream kong maging singer noon kaya nga thankful ako kay Joey na siya lang ang naniwala na pwede akong maging singer,” natatawa pa nitong segue.
Isa nga si Janice sa mayroong makulay na “lovelife” sa showbiz. Bukod kina Gabby at Aga, ay may mga tsismis umanong naugnay din si Janice noon kina Richard Gomez, Luke Mijares, at maging sa mga mas bata sa kanyang sina Gerald Anderson at ang yumaong si Rico Yan.
Naging asawa niya si John Estrada at nagkaroon sila ng apat na mga babaeng anak kasama na ang sikat ngayong si Kaila na gf ni Daniel Padilla.
Simula ng magkahiwalay sila ng aktor na si John ay hindi nagkaroon ng balitang pumasok sa seryosong relasyon si Janice.
Sey nito, “ok na ako sa mga anak ko. Hindi na siguro (mag-aasawa) dahil as of now, I have may son and my apos, my daughters and everyone else who supports and loves me.”
And speaking of Kaila’s boyfriend Daniel, sinabi ni Janice na never kailanman siyang nanghimasok sa buhay pag-ibig ng mga anak, Isang rule lang daw ang lagi niyang sinasabi sa mga ito, “guard your heart,”
“I will have to trust them, love them, get along with them. Kasi malay ko ba, baka mamaya sila na nga talaga yung mag-aalaga sa anak ko.” dagdag pa ng batikang aktres.


