Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ian de leon at mga kapatid, may hindi pagkakaunawaan sa mga naiwang “pamana” ni Nora Aunor?

Nagsalita na si Lotlot de leon sa tila lumalapad na “pader” sa pagitan nila ng kapatid na si Ian at iba pang mga anak ni National Artist for Film and Broadcast Arts at showbiz’s superstar na si Nora Aunor.

Itinanggi nito ang mga naglabasang ulat na may away sila ng kanyang kapatid na si Ian subalit nilinaw din niyang hindi rin sila nag-uusap tungkol sa isyu ng “properties o mga iniwang mana” sa kanila ng yumaong ina.

Sa pamamagitan ng kanyang legal team ay naglabas nga ng statement si Lotlot bilang pinaka-panganay na “anak” na hindi niya habol ang sinasabing “mana” bagkus ay nais lang niyang iparating kay IAN na mistula siyang na-bypass sa mga ginawa nitong mga desisyon.

Una na nga diyan ang pagtatag ni Ian ng isang Foundation para sa ina at pamamahala dito ng wala man lang konsultasyon na ginawa sa kanilang magkakapatid, gayung mayroon ng “same” foundation na kanyang unang itinayo.

Pinabulaanan din ng magaling na aktres na hindi totoo ang minsang sinabi ni Ian sa interview nito sa programa ni Rico Hizon na alam niya bilang panganay ang naturang hakbang ng “only biological son” ng Superstar.

Tila nasasaktan din ang magkakapatid sa mensaheng nais iparating ni Ian sa madla na bukod tanging ito lamang ang may karapatan sa pagiging anak ng Superstar gayung lahat naman daw sila ay “legally adopted” ni Ate Guy, at ng batikang aktor na si Christopher de leon, at patunay nga rito ang paggamit ng apelyido ng aktor sa lahat ng mga dokumento ng pagkatao nila.

Wala namang ibinibigay na pahayag si Christopher hinggil sa gusot na pinagdaraanan ng mga anak.

Sa naganap na ika-isang taong death anniversary ni Ate Guy (April 16), magkahiwalay na pa-misa ang inialay ng magkapatid sa magkahiwalay ding lugar.

Nagpamisa si Ian sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kung saan nakahimlay ang ina, habang si Lotlot kasama ang ibang mga kapatid ay nagpamisa na ginanap sa St. John Paul II Parish sa Eastwood, Quezon City.

Si Ian ang naging punong-abala sa misa na ginanap sa Libingan ng mga Bayani. Nakasama niya ang  ang ilan sa mga matatalik na supporter ng ina, mga fans at ang isa sa mga adopted sons ni ate Guy na si Kiko de leon.

Samantala, sa panig ni Lotlot ay naimbitahan pa nito ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang bisita at family friend kasama ang mga kapatid na sina Matet at Kenneth sa simbahan sa Eastwood.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles