Kinabog ng BINI ang KATSEYE, maging ang K-pop boy band na BigBang at iba pang artists gaya ng kilalang si Carol G ng Columbia, na nag-perform sa Weekend 1 sa Coachella Music Festival.
Ang bongga naman kasi ng naitalang record ng Nation’s Girl Group sa kauna-unahan nilang pagpeperform sa isa sa pinakamalaking music festival sa mundo.
Pumapangalawa ang BINI kay Justin Bieber bilang Most Viewed 2026 Coachella Acts Across all Platforms.
266M ang views ni Justin at 54.8M and counting ang total views na nakuha ng BINI.
Kaya naman dahil sa dami ng views ng performance nila, sinasabing nag- set na naman ng new record sina Jhoanna, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena at Aiah bilang most-viewed female performance sa Coachella this year.
No wonder, mabigyan sila ng pagkakataong muling magtanghal sa ikalawang weekend at mas dinagsa pa ng daang libong mga fans ng naturang music festival.
Congrats BINI! Pinoy Pride talaga ang P-pop queens!


