Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Atom Araullo, nakilala si “Itom Araullo;” maglalakbay sa Japan

Finally ay nagkita na at nagkakilala na sina Atom Araullo at Itom Araullo ng Ormoc City. 

Matagal nang sinasabi ng mga co-workers at kaibigan ni Adrian Resbosto Justo, isang staff member sa Mayor’s Office sa nasabing lungsod, na malaki ang pagkakahawig nito sa award-winning broadcast journalist ng Kapuso network.

Dahil mahiyain si Adrian, tinawag siya ng mga kaibigan niya bilang si “Itom,” — the Visayan word for dark — or the darker version of Atom.

Nitong April 15 ay naimbitahan si Atom para maging Keynote Speaker sa 2026 National Schools Press Conference, kaya naman naging magandang oportunidad na magkakilala ang ngayo’y tinaguriang  “two Atoms”.

Hirit ng mga netizen, “Pareho sila ng charming eyes kapag nakangiti!”

Very welcoming naman si Atom na ikinatuwa ang naturang meeting.

Samantala, patuloy pa rin ang paglalakbay ni Atom Araullo sa #IWitness, at ngayong Sabado, April 18, ay lilibutin naman niya ang dalawang bayan sa Japan sa dokumentaryong ‘Hiwaga ng Hakuba.’

Paniguradong fun, exciting, at insightful ang adventures ni Atom sa makasaysayang Hakuba Village at Takayama City. Sa kanyang pag-iikot ay kikilalanin niya ang natatanging mga tao na nagpapanatili ng natural na yaman at kultura ng kanilang mga lugar. 

Abangan ang iba pang matutuklasan ni Atom sa pinakabago niyang #IWitness documentary, ‘Hiwaga ng Hakuba,’ ngayong Sabado, 10:15 PM sa GMA Network.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles