Isang masayang episode na naman ang aabangan sa vodcast na “Your Honor,” hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar.
This Saturday, April 18, sasalang sa “hearing” ang social media personality at certified “baklang kanal” na si Sassa Gurl.
Dala-dala pa rin daw ni Sassa ang kanyang kanal humor mula sa mga panahong nakikipag-riot at umaawra pa siya sa mga “constru,” hanggang sa ngayon na nakikipagsosyalan na siya kina Marian Rivera, Nadine Lustre, at marami pang iba!
Asahan ang isang wild, puno ng katatawanan, at no-filter na bagong live session ng “Your Honor,” Sabado ng 8:15 p.m. pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
Mapapanood din ang episodes sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.


