Nabibigyan ng kulay at iniintriga ngayon ang napansin ng netizens na hindi na naka-follow sa isa’t isa sina Donny Pangilinan at Maymay Entrata sa Instagram.
Marami nga ang nagulat dahil buong akala ng fans at netizens na close friends sina Donny at Maymay dahil matagal na silang magkakilala at kamakailan nga lang ay nagkasama pa silang dalawa sa isang Kapamilya action series. Ito nga yung ROJA.
Naloka lang ang madlang pipol sa cyber universe dahil pagkatapos maipalabas ng naturang serye ay saka sila nag-unfollowhan sa IG.
Na-sad tuloy ang MayDon fans kung bakit tila biglang nag-iwasan ang mga idol nila sa socmed. Mayroon kayang tampuhan o ‘something o someone’ na nakaapekto sa kanilang pagiging very close friends?
May mga nagsasabing baka nagseselos daw ang DonBelle kay Maymay kaya dedma na lang ang aktor sa nakasama niyang aktres sa ‘Roja’.
May tumalak din na baka pinagseselosan daw ng boyfriend ni Maymay na si Joaquin Enriquez si Donny kaya nag-unfollow din umano ang aktres?
Pero ano nga kaya ang totoong kuwento kung bakit biglang nag-unfollowhan sina Maymay at Donny? Ibibisto iyan ng BISTADO sa mga susunod na kabanata.


