Binalot ng kalungkutan ang isang bahagi ng showbiz nitong March 15, Miyerkules.
Nabigla nga ang mga taga showbiz industry nang lumabas ang malungkot na balitang biglaang pagpanaw ng 44 anyos na si Sue Prado.
Sa FB post ng kapatid na si May Shereen Prado ay kinumpirma nito ang pagpanaw ng kapatid subalit walang ibinigay na detalye hinggil sa sanhi ng pagyao nito.
Kilala bilang isang award-winning performer si Sue sa mundo ng teatro at independent movies at mga palabas sa TV.
Mas nagmarka ang pangalang Sue Prado dahil sa mga pagganap niya sa mga pelikulang tulad ng ‘Corazon, Ang Unang Aswang’, ‘Oro,’ ‘Barber’s Tale,’ ‘Area,’ Himpapawid, Thelma, Madrasta, Desperada, Balota at bilang Sarah sa A Mother’s Son.
Nakasama rin siya sa maraming teleserye sa TV at isa na nga dyan ang katatapos lang na Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nanalo siya noong 2010 bilang Gawad Urian Award Best Supporting Actress at nakatanggap din ng Cinemalaya Balanghai trophy noong 2024 at 2025 Pinoy Rebyu Award bilang Best Lead Performance sa pelikulang “Your Mother’s Son” at iba pang mga parangal.
Huling lumabas sa publiko si Sue Prado sa isang pagtitipon para sa proyekto nitong gagawin na “The Flying Red Balloon” noong April 11 2026.
Sa naturang pagtitipon ay nakapagbahagi pa siya ng mga salitang kailangan daw na ipakita o ipadama na nating mga nabubuhay pa ang pagmamahal sa ating mga minamahal dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito.
Ang nasabing pagbabahagi na may video reel ay nagba-viral ngayong pumanaw na nga ang magaling na aktres.


