Pinagpapaliwanag ng Office of the Ombudsman si Assistant Special Prosecutor Ryan Rey Quilala matapos siyang idawit sa mga alegasyon ng testigong si Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Inatasan si Quilala na magsumite ng paliwanag kaugnay ng mga paratang na lumabas sa testimonya ni Madriaga.
Binanggit ni Madriaga si Quilala sa ilang bahagi ng kanyang affidavit, kabilang ang umano’y papel nito sa ilang transaksyon at ugnayan sa mga personalidad na konektado sa kaso.
Sa direktiba ng Ombudsman, hinihingan si Quilala ng paliwanag para linawin ang kanyang panig at tugunan ang mga alegasyong ibinato laban sa kanya.
Ang hakbang ay kasabay ng patuloy na pag-usad ng pagdinig sa Kamara, kung saan sinusuri ang mga testimonya at ebidensiya para matukoy kung may sapat na batayan ang mga reklamong inihain laban kay VP Sara. /Bistado


