Soon ay mapapanood na sa Prime Video ang GMA Pictures-produced films na “KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie” at “Samahan ng Mga Makasalanan”!
Maraming horror lovers ang matutuwa dahil masasaksihan na nila ang kababalaghan mula sa tatlong kuwento sa box-office film na KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie na isinalaysay ni Ms. Jessica Soho: Pocong na pinagbidahan ni Miguel Tanfelix, Berbalang nina Sanya Lopez at Elijah Canlas, at Sanib ni Jillian Ward.
Paniguradong hindi na rin makapag-antay ang fans ni Pambansang Ginoo David Licauco dahil malapit na rin nilang mapanood sa Prime ang satirical comedy film na Samahan ng mga Makasalanan.
Additional good news pa sa mga Kapuso at Prime Video viewers dahil inanunsyo rin ang dalawang bagong original series ng GMA na kasama sa lineup ng Filipino Prime Original series ngayong taon: “Behind Closed Doors,” na pagbibidahan ni Marian Rivera, at ang new collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Prime na “Honor Thy Mother,” starring Barbie Forteza, Khalil Ramos, Sharon Cuneta, at John Estrada.
Stay tuned, mga Kapuso!


