Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Iran dinepensahan si Pope Leo, banat ni Trump sinupalpal

Umalma ang Iran matapos tirahin ni US President Donald Trump si Pope Leo XIV, na tinawag niyang “WEAK on Crime, and terrible for Foreign Policy” sa isang social media post noong Abril 12.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi pa ni Trump, “Leo should get his act together as Pope,” na agad nagpasiklab ng reaksyon mula sa iba’t ibang panig.

Bilang tugon, naglabas ng mensahe si Iran President Masoud Pezeshkian sa X (dating Twitter), kung saan ipinagtanggol niya ang Santo Papa at kinondena ang naging pahayag ng lider ng Estados Unidos.

“I CONDEMN THE INSULT TO YOUR EXCELLENCY ON BEHALF OF THE GREAT NATION OF IRAN,” ayon kay Pezeshkian sa kanyang mensahe na direktang naka-tag kay Pope Leo XIV.

Ang bangayan ay nag-ugat sa magkakaibang pananaw sa foreign policy at sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Nauna rito, binatikos ng Santo Papa ang umiigting na karahasan at nanawagan ng kapayapaan at negosasyon, isang posisyon na tila hindi sinang-ayunan ni Trump.

Hindi direktang pinangalanan ng Papa ang Estados Unidos sa kanyang mga pahayag, ngunit ayon sa mga ulat, malinaw na tinutukoy nito ang mga aksyon at retorika ng Washington kaugnay ng giyera sa Iran.

Ang palitan ng matitinding pahayag ay lalong nagpatindi sa umiiral na tensyon, hindi lamang sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, kundi pati sa usapin ng papel ng simbahan sa pandaigdigang pulitika. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles