Naging biru-biruan sa social media ng mga up and coming bagets stars ng Kapuso network kung ano kaya ang magiging ‘parusa” sa kanila dahil sa hindi lang nila ‘pinuntahan at tiningnan’ ang mga kaganapan sa katatapos lang na Araw ng Dabaw last month, bagkus ay patuloy pa din silang pinag-uusapan nitong Abril.
Sa nag-viral na post ng mga taga-Davao, kitang-kita kung paano nilang tinilian at sinuportahan sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Charlie Fleming, at Anthony Constantino na nag-spread ng positive vibes at ipinakita ang mga inihanda nilang high-energy at cutesy performances. Ramdam na ramdam talaga ang saya at pagkagiliw ng lahat dahil sa fun-filled Kapuso Mall Show na hinandog ng Huwag Kang Titingin stars sa Gaisano Mall of Toril.
Sa mga may FOMO (fear of missing out) at gusto ring maging bahagi ng Huwag Kang Titingin experience, no worries daw kayo dahil paniguradong pupunta pa sila sa ibang lugar para mag-spread ng nakakikilabot na saya, kahit pa sa showing ng kanilang movie.
Simula ngayong araw April 15 ay mapapanood na ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide!


