Sa pakikipagpanayam ng BISTADO kay Quezon City Councilor Alfred Vargas, klinaro nitong ang pag-file nila ng kanyang asawa ng ‘criminal case’ laban sa parents na may ‘minor child’ na nam-bully sa kanilang menor de edad din na anak ay upang proteksyunan ito at magsilbing aral sa mga iba pang natatakot lumaban.
“Kilala ninyo naman po ako since I am both a public servant and an artist. Lagi tayong naninindigan sa matuwid, sa tama at makatarungan. Hindi ito paggamit ng inaakusa ng ilan na paggamit ng powers o influence. This is simply an act of getting justice in the most legal means and ways,” bahagi pa ng panayam ng Bistado sa aktor-pulitiko.
Ayon pa kay Vargas, since February pa ng taong ito kung kailan participant ang lalaking anak sa isang swimming class nagsimula ang diumano’y bullying at pag-abuso dito.
Sa sinumpaang salaysay nilang mag-asawa, binanggit na nagkaroon ng pattern ang umano’y bullying ng kapwa menor de edad na bata sa kanyang anak sa pamamagitan ng madalas na pagtulak sa swimming pool at tila tangkang pag-kontrol dito habang nasa ilalim ng tubig during swimming training sessions.
Ang naturang mga pangyayari ay makailang beses umanong tinawag pansin ni Vargas sa mga kinauukulan, partikular sa magulang ng ‘batang’ nam-bully, base na rin sa mga nakalap niyang ‘patotoo’ mula sa ibang swimming class participants at observers.
Ayon pa sa salaysay, “Vargas even recounted an incident in which the respondents’ child allegedly harassed their son in a lewd manner.”
Ang reklamo ay naka-file na ngayon sa Office of the City Prosecutor of Manila for violation Section 10(a) of Republic Act No. 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Napag-alaman din ng BISTADO na ang naging sukdulan ng paghingi ng justice ng pamilya Vargas ay noong nagkaroon ng swimming competition sa Rizal Sports Complex last February, ay nang siya mismo ang maka-witness kasama ng iba pang naroroon na “itinulak” ng inaakusahan ang kanyang anak at pinagtawanan ng ibang mga kalahok at mga tao, na nagdulot ng “significant emotional distress” sa kanyang anak.
“Yun nga ang nakaka hinanakit at nakakapanlumo dahil nang kausapin ko ang nanay noong bata, dedma lang ito at ipinag-kibit balikat lang ang insidente,” dagdag pa ni Vargas.
Diumano’y may socmed post pa ang naturang ina ng umano’y bully kid na kaso lamang daw yun ng mga ‘kantiyawang bata’ at inilarawang “misrepresentation of the incident.”
Dahil dito, tumungo na sa tamang otoridad ang aktor-pulitiko kasama ang kanyang asawa para magsampa ng kaso kasama na ang kasong “pagpapabaya at tila pagkunsinti” sa nambully sa anak.
Sa ilalim ng bagong Family Code ay may legal at moral na obligasyon ang magulang na nagsasaad, “to supervise and discipline their child, and failing to take effective measures to prevent the recurrence of the dangerous behavior.”
“The two (Vargas couple) claimed that the respondents’ negligence enabled acts prejudicial to the Vargas child’s welfare, which constitutes child abuse under Section 10(a) of RA 7610.”
“Bullying is not normal. It is not harmless. It is not acceptable. Maaari sanang maiwasan ang insidente na ito kung hindi napabayaan ang bata ng magulang. Kaya ngayon, pinili naming lumaban. Hindi para maghiganti kundi para manindigan para sa anak ko at para sa lahat ng batang natatakot magsalita,” komento pa ni Vargas sa kaugnay na panayam ng media.


