Showing na bukas April 15 ang pelikulang “Huwag Kang Titingin” ng GMA Pictures at Mentorque Prodn.
Kung pagbabasehan ang kilabot na naramdaman ng netizen nang unang beses na inilabas ang trailer nito, hindi nakapagtataka na panoorin ito ng mga mahihilig sa horror genre.Trailer pa nga lang daw ay wala nang patawad at napaka-intense na, kaya hindi umano nila palalagpasin ang pelikula na mapapanood sa mga sinehan simula bukas April 15.
“Grabe taas balahibo ko dito grabe kailangan talaga may kasama ka kapag manood ! sofia grabe nakakadala yung sigaw! First movie ng Team Jolly and mukhang successful to !” sey ng isang netizen.
Dagdag naman ng isa, “So scary 10/10 agad sa akin to. Nakakatakot…”
Hindi naman makapagpigil sa pagpapahayag ng excitement ang iba: “Cant wait for this another masterpiece from gma.”
Starring Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, with the special participation of Shuvee Etrata, ang Huwag Kang Titingin ay produced ng GMA Pictures at Mentorque Productions.
Diin sa trailer, mayroong isang mahigpit na bilin: kahit na anong mangyari, huwag kang titingin! Pero s’yempre, dagdag sa bilin ang panoorin ito sa paborito ninyong sinehan simula April 15!


