Marami ang nag-abang sa pa-ayudang video ni Kathryn Bernardo na kuha sa recent birthday trip niya sa Thailand. Maraming netizen ang agad pinansin ang matipunong ‘braso’ ng isang pamilyar na ‘anino’ sa naturang video. Siyempre pa, nagkakaisa ang lahat na si Lucena City Mayor Mark Alcala ang na-sight sa ilang eksena na katabi niya.
Nakatawag pansin naman mula sa mga intrigerang netizens ang suot-suot ni Kathryn na mamahaling singsing habang sumisipsip ito ng kanyang matcha drinks.
Ayon sa research ng mga fashion at brand conscious ‘faney,’ (fans) ito ay isang Tiffany T Diamond Wire Ring in White Gold mula sa Tiffany & Co at nagkakahalaga umano ito ng P235,000.
Kaya naman pinaghihinalaan ng mga tsismosang cyber peeps na ito raw ang birthday gift ng napapabalitang boyfriend ni Kath na si Mayor Mark Alcala.
Sa totoo lang, sa yaman ni Kathryn bilang sinasabing siya ngayon ang highest paid celebrity endorser at sa dami ng product endorsements niya ay ‘yakang-yaka’ nitong bumili ng mas mamahalin pang alahas. Subalit kung totoo mang regalo yun mula sa isang nagmamahal, natural na nagiging ‘priceless’ ito.


