Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Miguel Tanfelix, ala-Jessica Soho sa Planet XP

Iba rin talaga ang influence ng isang Jessica Soho pagdating sa solo hosting.

Sa isang panayam kay Miguel Tanfelix, isa sa mga hottest young stars ng Kapuso network, tinuran nitong “feeling ala-Jessica Soho” siya pagkakaroon ng sariling team para sa bagong travel show na bibida siya– ang Planet XP.

Although nabanggit din niyang inspiration para sa kanya sina ‘Amazing Earth’ host Dingdong Dantes at Drew Arellano ng ‘Biyahe ni Drew’, gagamitin o ipinagagamit kay Miguel ang sikat na tagline ng ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ na “Kasama Ang Buong Team.”
Masayang nasambit ng guwapong aktor, “Wow may team na rin ako parang Jessica Soho.”

Considered as a dream come true project ang travel show na ‘Planet XP’ dahil hilig talaga ni Miguel ang mag travel at madalas kasama niya ang pamilya. Pero this time ay tanging ang team ng show ang makakasama niya.

Dito ay maipapakita daw niya kung sino siya as a traveller o adventurer at magbibigay din siya ng mga tips sa kabuuan ng travel show.

Ipinagmamalaki ni Miguel ang mga kakaibang kultura, customs and traditions at ang uri ng pakikisalamuha niya sa mga tao at sa mga lugar ba kanyang pinupuntahan.

Tiyak daw na marami ding matutunang aral at leksyon ang mga maeengganyong manood ng kanyang travel show, lalong higit ang mga gaya niyang mga kabataan.

Bukod sa entertainment at information na dala ng programa, may kaagapay din itong promotion sa turismo, local o international na posibleng magtulay sa iba’t-ibang programa ng bansang Pilipinas sa mga lugar o bansa na kaniyang ipi-feature sa ‘Planet XP.’

“Grateful po ako na ibinigay at ipinagkatiwala ito sa akin ng GMA at ng NCCT. This is indeed a dream come true (project) sa gaya kong young artist na nais mag venture sa ibang larangan other than acting,” pahayag ng 27- anyos na aktor.

Mapapanood ang ‘Planet XP’ tuwing Sabado simula ngayong May 2, 6:30 pm mula sa partnership ng National Council for Children’s Television at GMA Network.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles