Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Start na ng sabungan!

May isang mainit na eksena kamakailan sa hanay ng mga kilalang dilawan figures na ngayon ay laman ng bulung-bulungan ng mga kabisto.

Ayon sa ating source, nagsimula ang tensyon nang magbanggit ang isang newbie lawmaker pero big teeth, este bigtime lawyer ng kanyang pambato para sa 2028 presidential race. Simple lang sana ang pahayag, pero agad itong sinalubong ng kontra mula sa isang beteranong pulitiko na sanay sa parehong local at national na laban.

Diretsahan ang naging sagot ng beterano. Ayon sa kanya, hindi raw “winnable” ang sinusuportahang kandidato ng abogado, kaya kailangan pa raw maghanap ng ibang pangalan ang kanilang kampo kung seryoso silang manalo.

Hindi ito pinalampas ni bigtime lawyer.

Sumbong ng mga kabisto, tumindi pa ang palitan ng salita sa pagitan ng dalawa. Hindi raw umatras ang abogado at ipinaglaban ang kanyang posisyon. Umabot pa raw sa punto na tinapos niya ang usapan sa isang matapang na linya, na huwag na raw lalapit ang kausap kapag napatunayan nilang kaya nilang ipanalo ang kanilang kandidato.

Ang reaksyon ng beterano? Smile smile lang daw. Kilala raw itong matapang magsalita pero hindi basta napipikon sa ganitong banggaan.

Parehong may reputasyon ang dalawa pagdating sa pagiging oposisyonista. Madalas silang nakikita sa mga isyu ng governance at transparency, kabilang ang pagbusisi sa mga kontrobersyal na proyekto ng gobyerno.

Clue para sa mga gustong manghula. Ang una, isang human rights lawyer na kilala sa kanyang free legal education programs at malakas ang following sa kabataan.

Ang pangalawa, isang matagal nang political operator na nakaupo na sa iba’t ibang posisyon, mula city hall hanggang national stage, at kilala sa kanyang prangka at matapang na estilo.

Pareho silang “malinis” ang imahe. Pero habang papalapit ang 2028, mukhang hindi nila maiwasang magsabong.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles