Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2-linggong tigil-putukan, kasado na ng US at Iran

Nagdeklara ng pansamantalang tigil-putukan ang Estados Unidos at Iran matapos ang ilang linggong tumitinding tensyon at bantang malawakang pag-atake sa Middle East.

Sa pahayag ni US President Donald Trump sa kanyang Truth Social account, sinabi niyang papayag ang US na ihinto ang pambobomba at anumang opensiba laban sa Iran sa loob ng dalawang linggo. Ayon sa kanya, ito ay bahagi ng bilateral ceasefire na bunga ng negosasyon na pinangunahan ng Pakistan.

Batay sa ulat ng international media, isinulong ang pag-uusap sa tulong ni Pakistani Prime Minister Shahbaz Sharif at ng Army Chief na si Asim Munir, ilang oras bago ang itinakdang deadline ni Trump para sa Iran.

Sinabi ni Trump na tinanggap niya ang panukala ng Pakistan, kabilang ang pagtigil ng mga posibleng pag-atake at pagbubukas ng Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng langis sa mundo.

Ayon pa sa kay Trump, nakatanggap ang US ng 10-point proposal mula sa Iran na tinitingnan nilang matibay na basehan para sa negosasyon. Layunin ng dalawang linggong tigil-putukan na mabuo at mapinal ang mas malawak na kasunduan.

Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang tensyon sa rehiyon ilang oras bago ang anunsyo, lalo pa at nagbabala si Trump ng “devastating attacks” kung walang magiging kasunduan.

Patuloy ang pagbabantay ng international community sa galaw ng dalawang bansa, lalo na sa magiging epekto nito sa seguridad at suplay ng langis sa buong mundo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles