Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

City hall payroll, pang-pamilya raw?

May isang lungsod sa Metro Manila ang laman ngayon ng bulung-bulungan ng mga kabisto dahil sa umano’y kakaibang galawan sa loob mismo ng city hall.

Ayon sa mga kabisto, hindi lang daw ordinaryong empleyado ang nasa payroll. May mga bulong na pati mga yaya at kasambahay ng pamilya ng mayor ay pinapasahod umano ng city hall, pero nakatago either sa mga alyas o di kaya ay sa ibang job titles para hindi mabuking. May mga pangalan din daw na konektado sa pamilya ang naisingit sa payroll kahit wala naman sa aktwal na serbisyo publiko. Yung mga consultant kuno? Minsan daw, 5-10 positions, pero iisang tao lang naman. Talk about garapalan.

Paano raw ito nagawa? Ayon sa usapan, nang maluklok si Mayor noong nakaraang taon, nagkaroon umano ng malawakang retrenchment sa city hall. Maraming dating empleyado ang tinanggal at pinalitan ng mga alipores at kaalyado, kaya hawak na raw ng kampo ang human resources at payroll system.

Hindi doon natatapos ang kwento.

May isa pang bulung-bulungan na mas mabigat. Dahil umano nadawit sa mga isyu ng katiwalian maaga pa lang sa termino ni Mayor, sinasabing nagsimula raw maningil ang kanyang kampo sa mga contractor at negosyo na pinaboran  o binigyan ng maluwalhating concession ng nakaupong opisyal. May isang abogado raw na malapit sa mayor ang umiikot para kolektahin ang hinihinging “payback.”

At heto pa ang pinakabago.

May mga kabisto na nananawagan na i-review ang listahan ng beneficiaries ng cash relief para sa mga tsuper ng PUV. May bulong-bulungan kasi na may mga pangalan daw doon na hindi naman tunay na tsuper. Kabilang umano ang ilang aide, kasambahay, at mga kamag-anak ni Mayor, kumbaga more more kapchung ang peg.

Kung totoo ang mga ito, malaking tanong ang nakabitin. Para kanino ba talaga ang pondo ng lungsod?

Clue para sa mga gustong manghula. Ang bagitong mayor na ito ay mula sa isang powerful na angkan na malalim ang kapit sa kanilang lungsod.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles