Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

G7, handang umaksyon para siguruhing may sapat na global energy supply

ISTANBUL — Nagpahayag ang mga foreign minister ng Group of Seven o G7 na handa silang kumilos para suportahan ang global energy supply at tiyakin ang kaligtasan ng mahahalagang ruta sa dagat sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Sa isang joint statement, sinabi ng mga kinatawan ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at United States, kasama ang European Union, na nakahanda silang magpatupad ng “necessary measures” para mapanatili ang suplay ng enerhiya at protektahan ang mga rutang kritikal sa pandaigdigang kalakalan, kabilang ang Strait of Hormuz.

“We reaffirm the importance of safeguarding maritime routes, and safety of navigation…as well as the safety and security of supply chains and the stability of energy markets,” saad sa pahayag ng G7.

Pinunto din ng G7 ang naging desisyon ng International Energy Agency noong March 11 na maglabas ng oil stockpiles bilang halimbawa ng aksyong kanilang sinusuportahan para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay sa merkado.

Ang pahayag ay inilabas habang patuloy ang pagkaantala ng operasyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng langis sa mundo. Ang naturang ruta ay karaniwang dinadaanan ng humigit-kumulang 20 milyong bariles ng langis kada araw at source ng nasa 20 porsiyento ng global liquefied natural gas trade.

Simula noong unang bahagi ng Marso, naapektuhan ang daloy ng langis sa naturang chokepoint, kasunod ng sigalot na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles