Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dating Northern Samar Gov. Raul Daza, pumanaw sa edad 91

Nagluluksa ang Northern Samar sa pagpanaw ni dating gobernador at kongresistang Raul Daza, 91, na naglingkod nang ilang dekada sa gobyerno.

Pumanaw si Daza noong October 12, na naiwan ang asawang si Tessie, apat na anak at mga apo, kabilang si Northern Samar 1st District Rep. Niko Raul Daza.

Sa resolusyong pinagtibay noong October 19, nagpaabot ng pakikiramay ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Clarence Dato.

“The provincial government and the people of Northern Samar honor his legacy, championing good governance, education, healthcare, and community development. His leadership, wisdom, integrity, and unwavering commitment have left a lasting impact that will continue to inspire generations of public servants,” ayon sa pamahalaang panlalawigan.

Sinalubong nina Governor Harris Ongchuan, Dato at iba pang opisyal ang labi ni Daza sa Catarman Airport nitong Martes, October 20.

Nakatakda ang memorial service sa Provincial Capitol sa October 22 at funeral Mass sa Sabado, October 24.

Nagsilbi si Daza bilang kinatawan ng Northern Samar sa iba’t ibang panahon mula 1969 hanggang 2019, at naging Speaker Pro Tempore at Senior Deputy Speaker sa Kamara.

Naging gobernador din siya sa loob ng tatlong termino mula 2001 hanggang 2010. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles