Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pilipinas kumuha ng $1.5B emergency loan sa ADB para sa Middle East crisis

Kumuha ang Pilipinas ng $1.5 bilyong emergency financing mula sa Asian Development Bank (ADB) para maibsan ang epekto ng krisis sa Middle East sa presyo ng langis, transportasyon at kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon sa Department of Finance (DOF) nitong Martes, October 20, katumbas ng 236.64 bilyong Japanese yen ang pondong gagamitin para suportahan ang mga commuter, mahihirap na sektor at overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng sigalot.

Nilagdaan ni Finance Secretary Frederick Go noong October 6 ang financing agreement para sa Assistance for Greater Resilience and Alleviation of Poverty (AGAPAY).

Ilalaan ang pondo bilang budgetary support sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program ng pamahalaan.

Sakop nito ang mga hakbang para matiyak ang sapat na suplay ng gasolina at kuryente, habang pinananatiling abot-kaya ang pamasahe at gastos sa transportasyon ng mga produkto.

Magbibigay din ng targeted financial assistance sa mga bulnerableng sektor at suporta sa pagpapauwi at muling paghahanapbuhay ng mga OFW na naapektuhan ng krisis.

“These interventions aim to ease pressure on household budgets, sustain livelihoods, and protect vulnerable Filipinos from the effects of global economic disruptions,” ayon sa DOF.

Bahagi ang ADB financing ng external financing program ng gobyerno para sa 2026 upang matiyak na may sapat na pondo sa pagtugon sa mga epekto ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles