Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

11 power firms, interesado sa 900-MW supply bidding ng Meralco

Labing-isang power generation companies ang nagpahayag ng interes sa bidding ng Manila Electric Company (Meralco) para sa 900 megawatts (MW) na suplay ng kuryente sa ilalim ng 15-taong kontrata.

Ayon kay Meralco Bids and Awards Committee Chairman Lawrence Fernandez, nakatanggap ang kumpanya ng 11 expressions of interest mula sa mga power supplier.

Sa ilalim ng kontrata, unang ihahatid ang 600 MW sa February 26, 2031, at karagdagang 300 MW sa February 26, 2032.

Nakatakda ang pre-bid conference sa November 6 at pagsusumite ng final bids sa December 9.

Kailangan ng hindi bababa sa dalawang kwalipikadong bid bago makapirma ng power supply agreement.

Layunin ng competitive selection process na makakuha ng maaasahang suplay sa mas kompetitibong presyo.

Nauna nang nagsagawa ang Meralco ng hiwalay na bidding para sa 600 MW na ihahatid sa 2028 at 2029.

Nag-alok ang Mariveles Power Generation Corp. ng P5.3573 kada kilowatt-hour (kWh), Sual Power Inc. ng P5.4357 at GNPower Mariveles Energy Center ng P5.5789 para sa tig-200 MW na kapasidad.

Kailangan pa ring aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang mga kontratang magmumula sa bidding bago maipatupad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles