Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bela Padilla, tinawag na “ma-eklay” ng netizen

Matapos i-anunsyo ng aktres-writer-direktor na si Bela Padilla ang break up nila ng negosyanteng si Martin Tan noong nakaraang buwan, heto at may panibagong intriga na naman sa aktres.

Ang naturang announcement kasi ay kinagiliwan ng marami niyang tagahanga dahil mukhang nagising na daw ito sa laging pagkakadapa sa mga relasyon kung saan sa huli ay siya itong umiiyak o parang “lugi” ayon sa mga nakatutok sa lovelife niya.

Matatandaang halos gawin lang na Cubao-Quiapo ni Bela ang Manila-London noong may karelasyon itong foreigner na inakala nga ng lahat ay kanya ng makakatuluyan.

Umabot din ng kung ilang taon ang kanilang relasyon hanggang nitong 2025 ay i-anunsyo ni Bela na wala na sila.

Then came early 2026 kung saan nakilala nga niya itong si Martin Tan, isang negosyanteng diumanoý ipinakilala naman sa kanya ni Kim Chiu.

For some reasons or what, mid this 2026 ay tila nalamatan ang friendship nila nina Kim at angelica Panganiban, at ayon sa mga tsismosang Marites, posible daw na may kinalaman ang buhay pag-ibig ni Bela.

Then nitong August lamang ay ini-anunsyo ni Bela na going stronger sila ni Martin, hanggang two weeks after or so ng announcement ay muli silang nag-anunsyo na nag-break na umano sila at mananatiling “friends na lang.”

Until came this second week of October kung kailan nga may mga sighting na naman sa kanilang dalawa along with some friends.

May mga nagsasabing nagkabalikan sila, may mga nagsasabing normal na pagkikita at pagsasama-sama ng mga friends lang yun, at mayroon din namang nagsasabing never naman daw talaga silang nag-break.

At kung paniniwalaan daw ang huli, ay dahil kasi nga daw ay may pinagdadaanan pang “legal process” diumano ang previous relationship ng negosyanteng si Martin kaya’t bawal o hindi pa magandang ipaalam sa publiko ang real score nila?

Kaya naman para sa maraming nagtatanong, “eklayera o mahusay ” daw talagang writer-director-actress si Bela.

Aguy uy!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles