Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UST, UP,  tinapos ang 1st round bitbit ang panalo

Pinalasap ng University of Santo Tomas ng ikatlong sunod na pagkatalo ang Ateneo de Manila University, 80-68, upang ipagtanggol ang homecourt sa UAAP Season 89 men’s basketball nitong Sabado.

Matapos ang 34-32 kalamangan sa halfime, rumatsada ang Growling Tigers sa ikalawang hati sa pamamagitan ng 15-0 run upang makalayo sa Blue Eagles.

Nilimitahan din ng UST ang Ateneo sa 10 puntos lamang sa third quarter.

Tinangka ng Blue Eagles na makabawi sa fourth quarter, ngunit nanatiling matatag ang Growling Tigers upang makuha ang panalo sa UST Quadricentennial Pavilion sa Maynila.

Tinapos ng UST ang first round taglay ang 4-3 rekord, habang bumagsak ang Ateneo sa 3-4.

Nanguna si Collins Akowe sa Growling Tigers na may 18 puntos, 15 rebounds, apat na block at dalawang assist, habang nagdagdag si Amiel Acido ng 15 puntos, kabilang ang tatlong three-pointer, at limang rebound.

Nag-ambag din si Mark Llemit ng 15 puntos, anim na rebound, dalawang steal at isang block.

Pinangunahan ang Blue Eagles ng rookie na si Kieffer Alas na may 18 puntos, apat na assist, tatlong reboundvat dalawang steal, habang nagtala si Andrew Bongo ng 13 puntos, anim na rebound, isang block at isang steal.

Sa unang laro, tinapos ng University of the Philippines ang unang round ng elimination sa pamamagitan ng tatlong sunod na panalo matapos ang pinaghirapang 91-81 tagumpay laban sa malas na University of the East.

Nangunguna ang Fighting Maroons sa standings tangan ang 5-2 rekord, kasunod ang Far Eastern University at National University na tabla sa 4-2.

Kinailangang bumawi ng Fighting Maroons mula sa pagkaka-iwan sa first quarter at pigilan ang ulit-ulit na tangkang paghabol ng Red Warriors sa fourth period.

Napanatili ng malalaking play nina James Payosing at Dikachi Ududo ang kontrol ng Fighting Maroons sa laro, habang tinanggap ng Red Warriors ang ikapitong sunod na pagkatalo.

Iyon ang ika-27 sunod na pagkatalo ng UE mula Season 87 noong 2024, na tumabla sa ikalawang pinakamahabang losing streak sa kasaysayan ng liga.

Nagtala si Payosing ng 16 puntos at 12 rebounds, habang nakabawi si Ududo mula sa maagang foul trouble upang magtapos na may 10 puntos.

Kinulang si Gani Stevens para sa double-double matapos magtala ng 12 puntos at siyam na rebounds, habang umiskor ng 10 puntos ang dating UE star na si Rey Remogat.

“Actually na-unahan kami ng UE in a way. That’s one test for the team, coming from behind, playing tough defense para makabalik sa game. Along the way, siyempre kailangan namin matuto to start strong. I guess as we go along sa season, we’ll learn to do those,” pahayag ni UP coach Goldwin Monteverde.

Sa women’s division, naghatid si Karylle Sierba ng pinakamagandang performance sa kanyang career upang pangunahan ang defending champion na UST sa 90-67 panalo laban sa Ateneo at mapanatili ang malinis na rekord matapos ang limang laro.

Bumuhos si Sierba ng career-high na 35 puntos, bukod pa sa apat na rebound at anim na steal, at hindi nagkaroon ng pagkakamali sa loob ng 22 minuto at 46 segundong paglalaro.

The men’s scores:

First Game

UP 91 – Payosing 16, Briones 13, Stevens 12, Pre 11, Dimaculangan 11, Remogat 10, Ududo 10, Yñiguez 4, Bayla 2, Alter 2, Franco 0, Palanca 0.

UE 81 – Lagat 26, Tañedo 14, Cruz-Dumont 10, Sabroso 9, Carillo 9, Vazquez 7, Jimenez 4, Robles 2, Edoukou 0, Mascariñas 0, Santos 0, Dungca 0, Apostol 0, Perez 0, Javier 0.

Quarters: 21-25; 45-48; 73-65; 91-81

Second Game

UST 80 – Akowe 18, Acido 15, Llemit 15, Buenaflor 11, Cañete 6, Jumawan 6, Esteban 4, Chio 3, Manding 1, Bucsit 1, Danting 0, Porter 0, Sevilla 0, Alao 0.

ATENEO 68 — Alas 18, Bongo 13, Espinosa 7, Tuano 7, Roberts 7, Asoro 5, Baruwa 4, Kapihe 4, Bahay 3, Leal 0, Cainglet 0, Rogers 0.

Quarters: 18-19; 34-32; 63-42; 80-68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles