Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Machong Chismisan, sambayanan ang kalaban; producers, naghugas kamay

Dahil sa nalikhang ingay at kontrobersya ng Machong Chismisan podcast ng mga umaastang matatalino at mga komedyante kunong sina Tito Patrioto, Ingo Mar at Makoy Pare, tila hindi nila kinaya ang resbak ng sambayanan.

Hindi pa man nga lang nagsasalita o nagbibigay ng pahayag si queen of all media Kris Aquino na ginawang “pulutan” ng humor at fun ng naturang podcast hosts, grabe na ang inabot na bashing ng tatlo, kasama na ang production  nitong Pod Network.

Bukod sa tinanggal na ang pagkaka-upload  sa digital media ng naturang episode kung saan nga “nilait” ang anak ni Kris na si Josh Aquino, nagdesisyon na din ang Pod Network na tuluyan na silang kanselahin at i-terminate ang kanilang engagement sa naturang production.

Tila naghugas kamay naman ang Pod Production dahil tahasan nilang sinabi na wala silang responsibilidad sa mga pangyayari at hindi nila sakop ang mga personal na opinyon ng kanilang mga hosts.

Hindi naman ito pinalampas ng mga netizen lalo’t taped podcast pala yun at dumaan sa tamang proseso ng editing bago ini-upload sa online.

“Kailangan din silang managot. Hindi lang mga hosts ang may responsibilidad at dapat na umako ng malaking pagkakamali. Dapat ding maturuan ang mga podcast producers na kakambal sila ng anumang gulo na malilikha ng kanilang negosyo sa socmed,” reaksyon ng mga nanggigigil at galit na galit pa ring netizen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles