“Dedma,” ang nakarating na reaksyon sa BISTADO ni tita Annabelle Rama hinggil sa muling paglabas sa media ni Sarah Lahbati.
Bukod sa pagpapakalat ng mga pictures sa socmed ng bagong boyfriend ng dating manugang ni tita Annabelle, nagpainterview pa ito kay kontrobersyal na film director Darryl Yap.
“Nagsama ang mga has-been. Sayang ang oras para patulan sila,” komento ng netizen na hanggang ngayon ay aliw na aliw sa pagiging karakter ni TIta Annabelle na kahit hindi nga daw magsalita ay alam ng mga taga-showbiz ang nasa loob at damdamin nito.

Kahit ang tila pasaring nitong “mas nakakatakot ang manikang si Annabelle kesa kay Barbie” ay hindi na rin pinatulan pa dahil obvious naman daw na naghahanap lang ng mapag-uusapan sina Sarah at direk Darryl.
“Sorry na lang sila. Hindi na sila uso,” hirit pa ng netizen.
Samantala, itinuring namang simple pero madiin na pananaray diumano ang ganting post ni Barbie na may hawak na baril sa isang shooting range habang may caption na “eyes on target” after ng nasabing interview ni Sarah sa iskandalosong direktor.
Nagkataon kasing mga kilalang pangalan ng “manika” sina Annabelle at Barbie, kaya’t tila ito ang napaglaruan nina Sarah at Darryl to elicit controversy sa mga real-life people na nagkaroon ng kaugnayan sa personal na buhay ni Sarah.
Kahit ang mga bagong socmed posts nito hinggil sa kanyang birthday at pagkakaroon ng mayaman daw na bagong boyfriend ay hindi rin masyadong pinansin ng netizen dahil para sa kanila ay mananatili umanong “starlet” ang dating aktres.
Dating asawa ni Richard Gutierrez si Sarah bago sila naghiwalay at si Barbie Imperial na ngayon ang bago nitong karelasyon na tila mas pinapaboran ng ina ni Richard na si tita Annabelle.


