Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

12 Pinoy seafarers, nasagip sa Iraq matapos atake sa oil tanker

BAGHDAD — Ligtas na ang 12 Pilipinong tripulante ng oil tanker na Safesea Vishnu matapos itong atakihin sa karagatan ng Iraq noong March 11, ayon sa Philippine Embassy sa Iraq.

Kinumpirma ng embahada na ang mga seafarer ay kasalukuyang nasa Basra Governorate sa southern Iraq matapos silang masagip ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, inatake ang oil tanker habang nasa baybayin ng Iraq, na naglagay sa panganib sa mga tripulanteng sakay nito, kabilang ang mga Pilipino.

Agad na rumesponde ang Iraqi authorities at naisagawa ang rescue operation sa madaling araw ng March 12. Pagdating sa pampang, agad ding binigyan ng medikal na atensyon ang mga seafarer.

Sa koordinasyon ng Philippine Embassy, Iraqi authorities, at ng shipping company, kasalukuyang inaasikaso ang mga dokumentong kailangan para sa repatriation ng mga Pilipino pabalik ng bansa.

Bukod dito, nagbigay rin ang embahada ng medical at welfare assistance sa mga apektadong seafarer upang matiyak ang kanilang kalagayan matapos ang insidente.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga kinauukulang ahensya at sa kumpanya ng barko para mapabilis ang proseso ng kanilang pag-uwi. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles