Rebelasyon, kuwentong may puso, at inspirasyong tatatak sa viewers — hatid ni Korina Sanchez sa “Gandang Mornings with Ate Koring,” kasama ang star-studded lineup para sa pilot week nito!
May mga kuwentong nakakatawa, may nakakagulat, at may nakakaantig. Pero kapag si Korina Sanchez ang kausap, asahan mong may mga katotohanan at personal na kuwentong lalabasna hindi basta-basta naibabahagi kung kani-kanino!
Ngayong October 12, 11:00 AM, mas magiging exciting at makabuluhan ang umaga ng mga Kapatid sa pagsisimula ng “Gandang Mornings with Ate Koring,” ang pinakabagong weekday show ng TV5 na maghahatid ng bigating guests, nakakagulat na rebelasyon, at mga kuwentong kapupulutan ng inspirasyon.
At bongga ang unang salang dahil birthday mismo ni Ate Koring ang premiere!
Sa buong pilot week, sunod-sunod ang mga bigating personalidad na makakwentuhan niya, kabilang sina Lyca Gairanod, ang timeless loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ng “Mommy Guard,” ang bagong laya na si Mary Jane Veloso, at ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Iba-iba man ang mundo ng mga bisita — mula showbiz at sports hanggang sa mga kuwentong pinag-usapan ng buong bansa — iisa ang dapat abangan: mga rebelasyon at personal na karanasang hindi lang basta trending, kundi may saysay at puso.
Dahil hindi ordinaryong kuwentuhan ang hatid ni Ate Koring!
Sa tagal ng kanyang karera sa broadcasting, kilala si Korina sa kanyang diretsahang pagtatanong, matalas na pakiramdam, at kakaibang kakayahang magpalabas ng tunay na saloobin ng kanyang mga bisita. Marunong siyang makipagbiruan, makiramdam, at magtanong ng mga bagay na gustong malaman ng lahat — kahit pa mahirap itong sagutin.
Kaya celebrity man, kontrobersyal na personalidad, o ordinaryong Pilipinong may pambihirang karanasan, asahang may bagong matutuklasan sa bawat kuwentuhan.
Dahil kay Ate Koring, hindi lang kung SINO ang bisita ang exciting — kundi kung ANO ang mapapaamin, maikukuwento, at maibabahagi niya!
At hindi lang tuwing weekdays makakasama ng mga Kapatid si Korina!
Patuloy ding napapanood ang kanyang iconic program na“Rated Korina” tuwing Linggo, 5:00 PM sa TV5. Sa loob ng 30 taon, naging tatak na ng programa ang paghahanap at pagbibidasa mga kakaibang karanasan, makabuluhang kuwento, at inspirasyon mula sa buhay ng iba’t ibang Pilipino.
Sa Gandang Mornings with Ate Koring at Rated Korina, mas makikilala ng viewers ang iba’t ibang mukha ni Korina — ang matapang na journalist, mahusay na interviewer, at ang Ate Koring na marunong makipag kwentuhan, makisaya, at makiramay.
Bahagi ito ng patuloy na paghahatid ng TV5 ng mas maraming mapagpipiliang programa na may entertainment, impormasyon, at inspirasyong para sa bawat Pilipino.
Kaya mga Kapatid, ihanda na ang inyong umaga!
Abangan ang “Gandang Mornings with Ate Koring” simula October 12, Monday to Friday, 11:00 AM, at patuloy nasubaybayan ang “Rated Korina” tuwing Linggo, 5:00 PM, parehong sa TV5.
Iba ang kuwento kapag si Ate Koring ang kausap. TARA SA TV5!


