Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Joey de leon, naging emosyonal sa birthday treat ng Dabarkads

Hindi naiwasan ng pamoso at itinuturing na henyo ng Eat Bulaga na si Joey de leon ang maging emosyonal sa ibinigay na birthday treat sa kanya ng Dabarkads sa longest running noontime show sa bansa.

Nitong Sabado, Oct 10 ay pinuno ng maraming “flashback at down the memory lane” moment ang Eat Bulaga sa dami ng mga bumati sa henyo ng EB na kanyang mga nakatrabaho noon at ngayon.

Kwelang-kuwela ang mga posters, photos, videos at mga old reels ng TV and movies na nagpasikat ng husto kay Joey de leon, gaya ng Starzan, Barbie, Sheman, Ernie Barong, ang kanyang pagiging radio disc jockey at maging ang pag-spoof niya ng Panday ng icon at legend na si FPJ.

Ilan lamang iyan sa mga karakter na ginampanan ni Joey na tumatak talaga ng husto sa mga manonood.

Kahit ang mga pinasikat niyang mga songs in the 70’s and 80’s ay sinayaw din ng Dabarkads at nilagyan ng twist para sa bagong mga manonood sa TV ngayon.

Mismong ang kapatid sa turing at kumpare niyang si Bossing Vic Sotto ang kumanta naman ng ilan sa mga pamosong kanta na kanilang naging “collab” production gaya ng “Ikaw Lang ang Aking Mahal,” Äwitin Mo at Isasayaw Ko,”Itaktak Mo, The Spageti Song, etc.

Bukod sa mga regular Dabarkads na nasa studio, personal na binati si Joey ng mga dati niyang nakasama gaya nina Toni Gonzaga, Sexbomb girls, Mel Tiangco, Janno Gibbs,  Jimmy Santos, Ian Veneracion, at mismong mga kapamilya niya gaya ng asawang si Eileen Macapagal, mga anak at apo.

Sinurpresa din siya ni Sen. Tito Sotto na nagulat din sa pambihirang pagkakataon na napaiyak on national TV ang isang Joey de leon na muli niyang binanggit na hindi lang ka-TVJ ang turing nila kundi isang “kapatid.”

Sa darating na Oct. 14 ay 80 years old na si Joey de leon at sinabi nga niyang kailangan niyang maging bahagi ng ika-50 taon ng Eat Bulaga na kanya ng naging tahanan at pamilya araw-araw sa mahabang panahon.

“Isang masigla at maayos na buhay for all of us,” ang binanggit nitong birthday wish.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles