Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pasig, Pasay nanguna sa NCR GDP growth; Malabon lumagapak ng 12 puwesto, Makati umurong sa No. 4

Pasig at Pasay ang bagong nangibabaw sa bilis ng paglago ng mga lokal na ekonomiya sa National Capital Region (NCR) noong 2025—habang kapwa nabitiwan ng Makati at Malabon ang matataas nilang puwesto noong nakaraang taon.

Batay sa Provincial Product Accounts ng Philippine Statistics Authority (PSA), nanguna ang Pasig sa 5.8% gross domestic product (GDP) growth, kasunod ang Pasay sa 5.5%.

Mula No. 5 noong 2024, umakyat ng apat na puwesto ang Pasig. Sumulong naman ang Pasay mula No. 4 patungong No. 2.

Nangyari ang pag-angat sa ranggo kahit bumagal ang aktuwal nilang paglago mula sa 6.5% ng Pasig at 6.6% ng Pasay noong 2024. Mas mabagal kasi ang naging takbo ng buong rehiyon: mula 5.6% noong 2024, lumamig sa 4.35% ang NCR economic growth noong 2025.

Pinakamalaking sorpresa ang Quezon City, na rumatsada mula No. 14 patungong No. 3. Lumakas ang GDP growth nito mula 4.36% tungong 5.4%.

Kabaligtaran ang sinapit ng dating mga lider.

Ang Makati, dating No. 1 sa 7.35%, ay umurong sa No. 4 matapos bumagal sa 5%. Mas matindi ang laglag ng Malabon: mula No. 2 sa 7.27%, bumagsak ito sa No. 14 sa 2%—pinakamalaking pagbaba sa ranggo sa buong NCR.

Gayunman, hindi lumiit ang ekonomiya ng Makati o Malabon. Positibo pa rin ang kanilang GDP growth. 

Gayundin, lahat ng 16 highly urbanized cities at ang nag-iisang munisipalidad ng Pateros ay nakapagtala pa rin ng paglago noong 2025. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles