Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA kumasa vs taas-presyo ng pagkain matapos sumirit inflation tungong 7.2%

Pinabilis ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para pigilan ang mas matinding pagsirit ng presyo ng pagkain matapos umakyat sa 7.2 porsiyento ang inflation noong September dahil sa epekto ng masamang panahon, mahal na langis at pagkaantala sa food supply at logistics.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naghahanda ang pamahalaan para tiyaking sapat ang suplay ng pagkain at may nakaabang na production support at market interventions kung kailangan.

“Nagtabi tayo ng P45 billion para sa pagtugon sa El Niño, kung daan P6.2 billion na ang naipalabas, dahil kailangan nating tiyakin na mananatiling matatag ang supply ng pagkain at hindi tumaas ng husto ang presyo sa tuwing haharap sa pagsubok sa klima ang ating mga magsasaka at mangingisda,” ani Tiu Laurel.

Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Super El Niño mula huling bahagi ng 2026 hanggang unang kalahati ng 2027, na posibleng pinakamalakas mula November hanggang April.

Ayon sa DA, posibleng tamaan nito ang agrikultura, pangisdaan at livestock production at magdagdag sa pressure sa food supply at presyo.

Batay sa Philippine Statistics Authority, umakyat sa 6.8 porsiyento ang food inflation noong September mula 4.6 porsiyento noong August at 0.8 porsiyento noong September 2025.

Malaking nagtulak sa pagtaas ang vegetables, tubers, plantains, cooking bananas at pulses, na sumirit sa 10.7 porsiyento mula sa 3.4 porsiyentong pagbaba noong August.

Umakyat din ang rice inflation sa 20.3 porsiyento mula 19.4 porsiyento, fish and seafood sa 7.4 porsiyento mula 6.6 porsiyento, at fruits and nuts sa 8.7 porsiyento mula 5.8 porsiyento.

Pinakamalaking ambag sa food inflation ang cereals and cereal products, kabilang ang bigas, na may 64.5 porsiyentong share o 4.4 percentage points. Sumunod ang fish and seafood na may 1.3 percentage points at vegetables at related products na may 1 percentage point.

Ayon sa DA, kabilang sa mga hakbang ang importation kung kinakailangan, support sa farmers at fisherfolk, at tulong sa agricultural truckers para maibsan ang epekto ng mataas na production at transport costs.

Target ng kagawaran na mapanatiling tuloy-tuloy ang food supply habang hinaharap ng sektor ang masamang panahon, mataas na fuel prices at banta ng mas matinding El Niño. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles