Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mga abuso ng pangongolonya, in-acknowledge ng hari ng Espanya

MADRID — Sa isang napaka-rare na pagkakataon, kinilala ng hari ng Espanya na si King Felipe VI ang mga abuso sa kolonyal na nakaraan ng kanyang bansa, isang pahayag na bihirang marinig mula sa Spanish crown na hindi pa nagbibigay ng pormal na paghingi ng paumanhin sa mga dating kolonya.

Ginawa ng hari ang pahayag noong Lunes habang bumibisita sa isang museo ng arkeolohiya sa Madrid. Doon, tinalakay ang epekto ng kolonyalismo, partikular sa konteksto ng mga katutubong komunidad.

Sinabi ni King Felipe VI na ang mga batas noong panahon ng kolonyalismo ay may layunin sanang magbigay ng proteksyon.

“In reality, things didn’t work out as they were originally intended, and there was a lot of abuse,” pag-amin ng hari.

Dagdag pa niya, kailangang suriin ang kasaysayan gamit ang pamantayan ng kasalukuyang panahon.

“When we study certain things under modern-day criteria, with our values, obviously we can’t feel proud. But we must learn from this, within its context, without too much moralizing. We must learn lessons through objective and rigorous analysis,” paliwanag ng hari.

Sa kanyang pagbisita sa museo, nilibot ng hari ang isang eksibisyon na tumatalakay sa kalagayan ng mga katutubong kababaihan sa Mexico. Kasama niya sa pag-iikot ang Mexican ambassador sa Spain na si Quirino Ordaz.

Ang naturang pahayag ng hari ay maituturing na isang bihirang pagkilala sa mga pagkukulang at abuso sa panahon ng kolonyalismo, kahit wala pa ring pormal na paghingi ng paumanhin mula sa pamahalaan ng Espanya.

Sa kasagsagan nito noong 16th hanggang 18th centuries, malawak ang naging saklaw ng kolonyal na pamamahala ng Espanya sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Latin America at Asya.

Kabilang sa mga bansang naapektuhan ang Pilipinas, na nasakop ng Espanya sa loob ng 333 taon, mula 1565 hanggang 1898.

Nagsimula ang ganap na kolonisasyon sa pagdating ni Miguel López de Legazpi at nagtapos ito sa pagtatagumpay ng Himagsikang Pilipino, na nagresulta sa pag-alis ng mga Espanyol sa bansa.

Sa ilalim ng pangongolonya ng Espanya, iba’t ibang porma ng abuso ang naitala sa kasaysayan, kabilang ang pagpapatupad ng “polo y servicio,” isang sistema ng sapilitang paggawa na ipinatupad sa Pilipinas kung saan ang mga kalalakihang Pilipino edad 16-60 ay inobligang magtrabaho ng 40 araw kada taon sa mga proyektong pampubliko gaya ng paggawa ng simbahan, tulay, at galyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles