Kinagiliwan ng netizen ang naging bahagi ng acceptance speech ni Dennis Trillo sa katatapos lang na MMPRESS Dekada awards kung saan dalawang Best Actor trophies ang kanyang naiuwi.
“Sayang hindi ko dala ang bag ko,” para daw sana may lalagyan ang kanyang dalawang trophies na napanalunan niya for Felix Manalo (2015) at Green Bones (2024) movies.
Ang naturang ‘witty remark’ ay may kinalaman siyempre sa naging patutsada nito kay Patrick Garcia na biological father nga ng anak ni Jennylyn Mercado, subalit hindi dw nito nagawang gampanan ang mga duties and obligations nito lalo pa’t isa itong person with inability and special needs at 18 years old.
“I will protect my family at all cost,” ang isa pang linyang sinambit ni Dennis ng kuyugin na nga siya ng media people na nais siyang makuhanan ng POV sa tila naging national sensational ng circus na usapin.
After ngang magsalita ni Gelli de Belen na nakatikim ng matinding bashing by saying na hindi na dapat umabot sa ganitong kalaking gulo, had Dennis thought of the kids involved, eto nga’t parang sila naman ng bff nitong si Candy Pangilinan ang iniintriga.
Pinaboran kasi ng madla ang naging pahayag naman ni Candy na sana daw ay kinausap muna ni Patrick ang mag-inang Jennylyn at Alex Jazz, bago ito kumuda ng kung anu-ano sa interview nito kay Ogie Diaz.
Apparently, nanay din si Candy ng isang binatilyo na ngayong mayroon ding autism at kilala sila sa online world na nagpapakita ng sakripisyo at hirap upang maitawid lang ang love and support lalo’t single parent din ang komedyante.
Sa naging extreme takes nila ng bff na si Gelli, may mga nagsasabing baka soon daw ay malamatan ang naturang friendship dahil mas nagpakita nga daw ng simpatiya si Gelli sa dalagang anak ni Patrick kesa sa anak nito kay Jennylyn.
At ang nakakabaliw na latest celebrity na nag-join sa foray ay si Janice de Belen.
Sa ipinahayag naman niyang “cryptic post” tungkol sa pagiging matalino at ismaretng magulang ay kitang-kita ang pagkontra nito sa mga ginagawa ni Dennis Trillo.
Hangga’t may mga netizen na ngang nag-wan-plus-wan na diumano’y tila may personal na alam si Janice sa naging “hiwalayan” ni Dennis at manager nilang si Popoy Caritativo.
Matagal na magkasama bilang mga wards ni Popoy sina Dennis at Janice kaya’t mas poisble umanong pine-personal ni Janice ang pagbibigay opinyon nito laban kay Dennis para kumampi siyempre sa kapatid niyang si Gelli na todo-todo ngang na-bash.
Kapwa ngayon mina-manage ni Becky Aguila ang mag-asawang Dennis at Jennylyn. Isa din si Becky sa mga naunang nagtanggol para sa kanila at kumwestyon kay Patrick.
Freelancer naman ngayon si Patrick mula sa pagiging ward ni Raul Laurel at tinulungan ng yumaong si Jobert Sucaldito sa mga raket. SI Jobert din ang binanggit na reporter ni Patrick na nag-interview sa kanya noong kasagsagan ng “DNA- fatherhood” items nina Patrick at Jennylyn, ay pinasagot ng showbiz cum hypothetical question na “paanong tatanggapin ni Patrick ang bata kapag nalaman niyang hindi ito kanya?”
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang ilan pang mga nabanggit na celebrities sa isyu in more ways or another ay sina Cheska at Doug Kramer, Carla Abellana, Derek Ramsay at Ellen Adarna, John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Jake Ejercito, Dennis Padilla, Andrei Felix, Nikka Martinez, Mark Herras, Carlene Aguilar, Anne Curtis, Luis Manzano, Archie Alemania, Ariel Rivera, Regine Velasquez, Boy Abunda, Cristy Fermin, Kris Aquino, Startalk, The Buzz, ang Chika Cart, at marami pang iba.
Sadya namang naging isang real-life story o teleserye na ang naturang isyu.


