Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marian Rivera, pinarangalan bilang taxpayer ng Mandaluyong City

Bukod sa pagiging Dekada Best Actress sa katatapos lang na Golden Screen Awards ng MMPRESS, naging inspirasyon din kay Marian Rivera ang pagkakahirang sa kanya bilang ehemplo at taxpayer ng Bureau of Internal Revenue’s (BIR) Revenue District Office No. 41 (RDO) sa Mandaluyong City.

Sa ibinahaging IG post ni Marian nitong October 1, showing her plaque mula sa naturang ahensya ay may hashtag itong “#PagkilalasaNatatangingTaxpayer.”

 “A true queen leads by example. Bawat pisong ibinabayad sa buwis ay may ambag sa mas magandang kinabukasan. Maraming salamat, Ms. Marian, sa pagiging inspirasyon, huwaran, at katuwang sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad, ” ang kabuuan ng mensahe mula sa BIR Revenue District office no. 41 ng nasabing lungsod.

Nagpasalamat naman ang aktres sa pagpapahalaga ng ahensya sa kanyang naging tungkulin bilang isang mamamayan at sumusunod sa mga itinakdang alituntunin ng batas sa pagpapataw at pagbabayad ng kaukulang buwis.

nito sa isang kaugnay na panayam, “para sa akin, higit sa award, fulfilling malaman na sa simpleng pagtupad natin ng responsibilidad bilang taxpayer, may naiaambag tayo sa ating bansa at sa kapwa natin Pilipino. It’s something I’m truly proud of.”

“Ang pagbabayad ng tamang buwis ay responsibilidad nating lahat. Every contribution matters, big or small, ” ang may pag-engganyo pang saad ni Marian. 

“Sana patuloy nating gawin ang ating bahagi nang tama at tapat, dahil sa sarili nating paraan, nakakatulong tayo sa pag-unlad ng ating bansa at sa mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon,” dagdag pa nito. 

Bukod pa kay Marian, ang ilan pang mga celebrities na naging bahagi ng ahensya bilang mga  “top and responsible taxpayers in the past several years,” ay sina  Alden Richards, Barbie Forteza, Anne Curtis, Manny Pacquiao, Coco Martin, Kris Aquino, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Catriona Gray, Vice Ganda, Judy Ann Santos-Agoncillo, at  Sharon Cuneta, among many others.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles