Inilunsad ng Globe ang bagong Scam Protect service para tulungan ang subscribers na agad matukoy ang suspicious calls, messages, links at posibleng data leaks bago pa mauwi sa panloloko.
Powered ng Whoscall Premium Basic, nagbibigay ang Scam Protect ng real-time scam alerts at tools para i-check kung kahina-hinala ang tumatawag, mensahe o link na natatanggap ng user.
Sinabi ng Globe na suportado ang serbisyo ng threat database ng Whoscall, na may mahigit 2.2 milyong installs mula 2023.
“Digital safety is everyday life now, and our customers deserve simple, reliable protection always on,” ani Globe Consumer Mobile Business Head Eric Tanbauco.
“Scam Protect makes real-time defense accessible so people stay connected with confidence.”
May libreng 12 buwang access ang Globe Platinum at Postpaid customers. Dalawang devices ang sakop para sa Platinum users, habang isang device naman para sa Postpaid subscribers.
Para sa Prepaid at TM users, maaaring i-redeem ang isang buwang libreng access kapalit ng dalawang Rewards points.
Makukuha naman ng new at renewing Postpaid at Platinum customers ang serbisyo sa GlobeOne app. Kasama rin sa activation ang access sa tips tungkol sa mas ligtas na online habits.
Bahagi ang Scam Protect ng patuloy na hakbang ng Globe laban sa digital scams at iba pang online threats habang patuloy na dumarami ang subscribers na gumagamit ng mobile services para sa banking, shopping, messaging at iba pang digital transactions. /Bistado


