Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Guicam Bridge bukas na, 2-oras na biyahe naging 2 minuto!

Dalawang minuto na lang mula sa dating halos dalawang oras ang biyahe sa pagitan ng Olutanga Island at mainland Zamboanga Sibugay matapos buksan sa publiko ang Guicam Bridge.

Binuksan ang tulay kasunod ng direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na gawing accessible ang mahalagang koneksiyon ng Olutanga Island at Alicia.

Sa loob ng maraming taon, umaasa sa barge at bangka ang mga residente ng Olutanga at kalapit na island municipalities para makarating sa mainland at makapagdala ng agricultural at fishery products.

Ngayon, mayroon nang direktang land connection.

“The Guicam Bridge changes the way our people travel and transport their products. Imagine the upgrade from around 2 hours to two minutes! This means less time on the road, less gas consumption, lower transportation costs, and more opportunities for our communities,” sabi ni Zamboanga Sibugay First District Rep. Marlo Bancoro.

May habang humigit-kumulang 1.21 kilometro ang Guicam Bridge kasama ang approach roads, habang 540.80 metro ang main span nito.

Pinondohan ang proyekto ng Asian Development Bank sa ilalim ng Build Better More program ng Department of Public Works and Highways.

Inaasahang mapapabilis ng tulay ang pagpunta ng mga residente sa schools, hospitals, government offices, markets at workplaces. Mas direkta na rin ang ruta ng farmers at fisherfolk sa pagdadala ng kanilang produkto sa buyers.

Target ding mapababa ang transportation costs at mapabilis ang paggalaw ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng isla at mainland.

“Ang pag-abli sa tulay, isa ka dako nga kalampusan nga maghatag og direkta ug molungtad nga epekto sa matag adlaw nga kinabuhi sa libo-libong mga kagikanan nato. Dili lang kini mahitungod sa pagdaginot sa hapit duha ka oras nga biyahe—mahitabo kini sa paghimo sa matag adlaw nga kinabuhi nga mas sayon, mas paspas, ug mas barato,” ani Bancoro.

May maximum vehicle load na 25 tons ang tulay at 20 kilometers per hour na speed limit para sa kaligtasan ng mga motorista. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles