Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

NCAP balik sa October 5, QC at 4 pang Metro Manila cities sasabak

Balik sa mga kalsada simula Lunes, October 5, ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Quezon City at apat pang lungsod sa Metro Manila.

Muling ipatutupad ang camera-based traffic enforcement sa Quezon City, Manila, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa matapos alisin ng Supreme Court ang temporary restraining order na pumigil sa programa.

Sa Quezon City, gagamit muli ng traffic cameras at iba pang teknolohiya para mahuli at maitala ang mga sasakyang lumalabag sa traffic rules kahit walang traffic enforcer na direktang pumara sa motorista.

Kabilang sa mga paglabag na babantayan ang disregarding traffic signs, obstruction of pedestrian lanes, illegal parking, reckless driving, loading at unloading violations, at iba pang sakop ng traffic regulations.

Standardized na rin ang traffic fines sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023.

Maaaring tingnan ng mga motorista online kung mayroon silang Notice of Violation. May online channels din para sa pagbabayad ng multa at pag-contest sa apprehension kung naniniwala ang vehicle owner na mali ang pagkakahuli.

Sa Quezon City, sakop ng NCAP ang mga piling pangunahing kalsada at intersections na may nakatalagang traffic cameras.

Hindi rin aalisin ang traffic enforcers sa kalsada. Patuloy ang physical apprehension sa mga lugar at paglabag na hindi sakop ng camera system.

Nagbabalik ang NCAP matapos ibasura ng Supreme Court noong July 9 ang consolidated petitions laban sa pagpapatupad nito sa limang Metro Manila local government units.

Kasabay nito, inalis ng Korte ang temporary restraining order na inilabas noong August 30, 2022 laban sa pagpapatupad ng NCAP ng mga lungsod at Land Transportation Office.

Sa pagbabalik ng programa sa October 5, hindi na kailangang may enforcer sa mismong lugar para mahuli ang isang traffic violation na sakop ng NCAP.

Kaya paalala sa mga motorista, kahit walang nakikitang traffic enforcer, nakabantay ang mga camera! /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles