Trending ang “From Vlog to Love” na digital series at first lead project ng Sparkle stars na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino!
Gumaganap sila rito bilang sina Angge at Bullet na mala-aso’t pusang intern at hunk CEO ng isang resort.
Sa pilot episode nito sa GMA Network YouTube channel noong September 18, marami ang kinilig at napasaya ng feel-good series ng AnVee love team. Dahil diyan, marami ang humihirit na mabigyan sila ng Wattpad o K-Drama adaptation na talagang patok sa viewers lalo na sa mga Gen Z.
Komento ng netizens, “Bitin sa first episode, waiting na agad sa next ep, unang tagpo pa lang ni Angge at Bullet bardagulan agad na may kasamang kilig! Waaahhh ang saya panoorin! Naka-smile lang ako the whole time! Ang galing ng AnVee bagay na bagay sa romcom! Wattpad series or K-Drama adaptation naman next, please!”
Pwedeng balik-balikan ang first two episodes ng kilig series sa GMA Network YouTube channel at abangan ang iba pang episodes ng “From Vlog to Love” ganap na 7:00 p.m. this September 25, September 26, October 2, at October 3.


