Naghatid ng 5.6 million U.S. dollars na halaga ng media mileage ang pagrampa ni Global Fashion Icon Heart Evangelista sa New York Fashion Week!
Patunay ito sa strong influence ni Heart pagdating sa fashion at social media, kaya naman kabi-kabilang Fashion Weeks ang nag-iimbita sa Sparkle star.
Base rin sa datos ng influencer marketing platform na Lefty, pumangalawa si Heart sa NYFW SS27 Influencer Ranking matapos ang hindi lang isa, kundi pitong shows na kanyang dinaluhan!
Sumunod naman kay Heart sa listahan ang iba pang international stars na sina Thai influencer Thanachok Siriwiraphan, Thai actress Lingling Kwong, at Blackpink member Jisoo.
Samantala, pagkatapos na pagkatapos ng kanyang pagrampa sa NYFW, for sure ay sunod namang mag-iiwan ng marka si Heart sa ginaganap ngayon na Milan Fashion Week!


