Kasabay ng paglabas ng official statement ni Kim Chiu tungkol sa pagkakakulong ng kapatid at ang finally pag-post ng bail ni Lakam for her temporary freedom, ay lumabas at pinag-usapan din ang tila cryptic post naman ng napapabalitang boyfriend nitong si Paulo Avelino.
Sa tinagal-tagal ng panahon at sa gitna ng napakaraming mga balita hinggil sa naging sigalot ng magkapatid na nauwi sa demandahan, nitong September 24 lang parang “nakialam” si Paulo.
Sa kanyang “X” account ay nag-post nga ang aktor ng:”I don’t think people understand the value of the ‘amount’ stolen. Think about what you would do with that money. Bibili ka ng bahay? Medical Bills? School? Magsisimula ka ng bagong buhay? That amount can build the life you’ve always dreamed of. Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in. Sa company palang yan. Pano pa kaya sa….. ”
Kahit naman daw hindi nito pinangalanan ang totoo nitong tinutumbok, maliwanag na may kinalaman umano ang lahat sa naging kaso ng magkapatid at natural lang sa aktor ang kumampi sa napapabalita niyang girlfriend.
Habang may mga natutuwa sa pagpapakita ng support ni Paulo kay Kim, marami din naman ang nagtatanong at nagsasabing kahit sa mga usaping pampamilya na ay sobra pa ding pa-mysterious si Paulo.
Gaya umano ng kanilang totoong ugnayan ni Kim, masyado lang daw na “ma-eklay” ang mga ganung pahayag dahil despite the obvious situation at mga pakilig moments nila on and off cameras, bakit daw parang hindi sila ready o proud na aminin sa public ang real score nila as couple?
“Natsismis na ngang buntis si Kim at lahat, ni wala tayong narinig sa inaakusahang boyfriend? Masyado lang pabibo na tahimik and man of few words iyang si Paulo, pero sa totoo lang, hay, ewan,” sey ng mga bashers.
“Äno ba ang bago diyan kay Avelino? Mahilig lang naman iyan makisakay sa kasikatan ng iba. Kung hindi pa iya kumabit kay Kim, saan ba pupulutin ang showbiz career niyan?,” hirit pa ng iba.


