Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Prangkisa ng Bohol Light, pasado na sa Senado sa huling pagbasa

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa noong Miyerkules, September 23, ang panukalang magbibigay ng bagong 25-taong prangkisa sa Bohol Light Company Inc. para magpatakbo ng sistema ng pamamahagi ng kuryente sa Tagbilaran City.

Sa ilalim ng panukala, maaaring magtayo, magmay-ari at magpanatili ang kompanya ng distribution system na maghahatid ng kuryente sa mga consumer sa lungsod. Inaatasan din itong tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay, alinsunod sa mga umiiral na batas at pangangasiwa ng Energy Regulatory Commission.

Nauna nang inaprubahan ng Kamara sa huling pagbasa ang panukala noong October 13, 2025.

Samantala, umusad sa ikalawang pagbasa sa Senado ang hiwalay na panukalang mag-aamyenda sa prangkisa ng More Electric and Power Corp. o MORE Power, na nagseserbisyo sa Iloilo City. Naipasa na ito ng Kamara sa ikatlong pagbasa noong March 3.

Kapwa nasa ilalim ng Primelectric Holdings Inc. ang Bohol Light at MORE Power. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles