Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Buwis sa luxury cars, panukalang taasan hanggang 75%

Isinusulong ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo ang mas mataas na excise tax sa mamahaling sasakyan at iba pang produktong hindi pangunahing pangangailangan.

Sa House Bill No. 11465, papatawan ng 50% ad valorem tax ang mga sasakyang nagkakahalaga ng mahigit ₱4 milyon hanggang ₱8 milyon. 75% naman ang ipapataw sa mga sasakyang lampas ₱8 milyon. Mananatili ang kasalukuyang tax rates para sa mga sasakyang nagkakahalaga ng ₱4 milyon pababa.

Tinataya ni Quimbo, chair ng House Ways and Means Committee, na magdadagdag ng ₱3.91 bilyon sa taunang koleksiyon ng gobyerno ang panukalang pagtaas ng buwis sa mga sasakyan. Maaari aniyang gamitin ang dagdag na pondo sa mga prayoridad na programa.

Itataas din ng panukala mula 20% sa 25% ang buwis sa non-essential goods. Tahasang isasama rito ang mga yate, jet ski, speedboat, sailboat, motorboat at sasakyang panghimpapawid na binili para sa libangan, pribadong gamit o sport.

Aalisin naman sa saklaw ng buwis na ito ang mga pabango at toilet waters.

Ayon kay Quimbo, layunin ng panukala na mas malaking bahagi ng buwis ang pasanin ng mga bumibili ng mamahaling produkto. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles