Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

8 sa 10 Pinoy, tutol sa umano’y banta ni VP Sara vs Pres. Marcos — survey

Halos walong sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang hindi katanggap-tanggap ang umano’y mga banta ni Vice President Sara Duterte laban kay President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Batay sa July 2026 issue ng National Momentum Survey, 79.7 porsiyento ng mga respondent ang itinuring na “unacceptable” ang umano’y mga pahayag ni Duterte, habang 12.3 porsiyento ang nagsabing katanggap-tanggap ang mga ito.

May 5.4 porsiyento namang hindi makapagpasya, habang 2.6 porsiyento ang tumangging sumagot.

Nakasentro ang pampublikong debate sa kung maituturing bang seryosong banta ang mga pahayag at kung kondisyonal ang mga ito. Gayunman, ipinakita ng resulta na para sa karamihan ng mga Pilipino, hindi katanggap-tanggap ang mga pahayag kahit kondisyonal o hindi.

Nangibabaw ang pagtutol sa lahat ng pangunahing rehiyon ng bansa.

Pinakamataas ang nagsabing hindi katanggap-tanggap ang umano’y mga banta sa Balance Luzon o mga lugar sa Luzon sa labas ng Metro Manila, sa 86.7 porsiyento.

Sumunod ang Metro Manila sa 77.8 porsiyento at Visayas sa 76.5 porsiyento. Bagama’t pinakamababa sa Mindanao, nanatiling mayorya sa 69.4 porsiyento ang tumutol sa umano’y mga pahayag.

Maging sa iba’t ibang political groups, karamihan ay nagsabing hindi katanggap-tanggap ang mga ito.

Sa mga respondent na nagpakilalang pro-Duterte, 70.1 porsiyento ang hindi pumabor sa umano’y mga banta. Mas mataas ang pagtutol sa hanay ng pro-Marcos respondents sa 82.5 porsiyento, pro-opposition sa 85.1 porsiyento at independents sa 83.5 porsiyento.

Isinagawa ang National Momentum Survey mula July 13 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,438 adult Filipino respondents sa buong bansa.

May margin of error na ±2.6 percentage points ang survey sa 95 percent confidence level. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles