Tuloy ang aggresive expansion ng 7-Eleven sa Pilipinas kahit mabilis ang pagdami ng hard-discount stores, dahil naniniwala ang operator nitong Philippine Seven Corp. na limitado lamang ang direktang kumpetisyon sa kanilang convenience store business.
Target ng kumpanya na buksan ang ika-5,000 7-Eleven store nito sa Cebu sa December 3. Mahigit 500 bagong outlets ang target nitong idagdag ngayong 2026, habang nasa 600 pa ang initial target para sa 2027.
Ayon kay Philippine Seven Chair Victor Paterno, hindi gaanong nababahala ang kumpanya sa pagdami ng hard-discounters dahil magkaiba ang kanilang product mix.
“We don’t worry about it too much,” sabi ni Paterno.
Karaniwang nasa 300 items lamang ang tinda ng hard-discounters, kabilang ang small packs at private-label products. Mas malawak naman ang assortment ng convenience stores at mas nakatuon sa products para sa immediate consumption.
Batay sa monitoring ng Philippine Seven, mas malaki rin ang epekto sa sales kapag bagong convenience store ang nagbukas malapit sa isang branch kumpara sa minimart o hard-discounter.
Mas nakikita ng kumpanya na direktang makikipagkompetensya ang hard-discounters sa neighborhood supermarkets at minimarts dahil mas nakatuon ang mga ito sa groceries.
Habang papalapit sa 5,000-store mark, mas pumapasok na rin ang 7-Eleven sa underserved markets, kabilang ang Western Mindanao. Sinusuportahan ng karagdagang distribution centers ang expansion sa mga bagong lugar.
Humigit-kumulang kalahati ng 7-Eleven stores sa bansa ang company-owned, habang ang iba ay bahagi ng franchise network.
Nasa 600 bagong stores ang unang tinitingnang idagdag sa 2027, bagama’t nakadepende pa ang final pace ng expansion sa mga kondisyon ng ekonomiya.
“We’re still upbeat about our business model,” sabi ni Paterno.
Bukod sa pagbubukas ng branches, pinalalawak din ng Philippine Seven ang paggamit ng card-payment terminals at naglalabas ng mga bagong produkto na target ang younger consumers, partikular ang Gen Z. /Bistado


