Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3,000 Batangueño nag-rally sa Batasan, VAT cut iginiit

Umabot sa 3,000 Batangueño ang nag-rally sa harap ng Batasang Pambansa noong Abril 13 para igiit ang pagbaba ng Value Added Tax (VAT), kasabay ng panawagan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na ipasa na ang panukalang VAT cut sa kabila ng pagtutol ng ilang opisyal ng gabinete.

Ihinain ni Leviste kamakailan ang House Bill No. 4302 para ibaba ang VAT sa lahat ng produkto mula 12 percent tungong 10 percent, at House Bill No. 8838 para suspendihin ang VAT sa petroleum products. Ito ay sa gitna ng epekto ng  fuel crisis bunsod ng Middle East conflict.

Giit ng mambabatas, marami nang mambabatas ang sumusuporta at dapat na itong pagbotohan.

“We have had enough hearings. It is time to let every member’s vote be known. There should be separation of powers, so why is Congress allowing the Cabinet to block a vote on the VAT?” ani Leviste.

Dagdag pa niya, ang mga Batangueño sa rally ay kumakatawan sa milyun-milyong Pilipinong apektado ng mataas na presyo ng bilihin dahil sa VAT.

“My constituents here from Batangas represent the millions of Filipinos who are paying higher prices because of the VAT yet have not received any ayuda—I hope the government will find the sense of urgency to lower the VAT on all goods and immediately suspend the VAT on oil. Suspending the fuel excise tax is not enough,” aniya.

Ipinunto ni Leviste ang isang position paper na nilagdaan noon ni Recto bilang kalihim ng pananalapi na tumututol sa pagbaba ng VAT mula 12 percent tungong 10 percent dahil umano sa posibleng malaking bawas sa kita ng gobyerno.

Ayon kay Leviste, hindi pa rin naisasalang sa botohan ang panukala dahil sa patuloy na pagtutol ni Recto, na siya ring may-akda ng batas na nagtaas ng VAT mula 10 percent tungong 12 percent.

Samantala, halos isang linggo nang nasa Maynila ang mga magsasaka, mangingisda, at manggagawa mula Batangas. Nagtayo sila ng mga tent sa Liwasang Bonifacio at nagsasagawa ng araw-araw na protesta para igiit ang pagbaba ng VAT at tugon sa oil crisis.

Sa rally, sinamahan sila ng iba pang sektor at sinuportahan ng ilang miyembro ng Kongreso ang kanilang panawagan. Pagkatapos ng programa, bumalik ang grupo sa Liwasang Bonifacio kung saan nagpapatuloy ang kanilang kampuhan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles