Binuwag ng Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng magkakaugnay na yunit na pinamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y iligal na operasyon ng online cockfighting sa Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental matapos ang isang intelligence-driven operation.
May 30 indibidwal ang inaresto sa loob ng isang pribadong ari-arian sa Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental. Dalawang indibidwal ang nasagip sa operasyon, habang isang menor de edad ang natagpuan din sa lugar at ngayon ay nasa wastong pangangalaga at proteksiyon.
Ayon sa mga awtoridad, ang lokasyon ay ginagamit para sa umano’y iligal na aktibidad ng online cockfighting na pinatatakbo ng isang organisadong grupo. Narekober ang mga kagamitang ginagamit sa live streaming, mga communication device, at iba’t ibang kagamitang may kaugnayan sa sabong. /Bistado


